Noli Me Tangere Kabanata 2 Repleksyon
Noli me tangere kabanata 2 Repleksyon
Noli Me Tangere
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Repleksyon:
Ang kabanatang ito ay sumasalamin sa naging buhay ng isang binatang naulila matapos na makapag aral sa ibang bansa. Ang kanyang labis na pangungulila sa ama ang nagtulak kay Crisostomo Ibarra na magbalik bayan upang alamin ang katotohanan ukol sa pagkamatay nito. Katunayan, ang pangungulila na ito ay ipinapahayag ni Crisostomo Ibarra sa pamamagitan ng pagsusuot ng kulay itim. Ang kasuotan na purong itim ay sumisimbolo sa pagkamatay ng kanyang pag - asa at labis na kalungkutan ukol sa mga pangyayari sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang kalituhan ay naramdaman ni Ibarra dahil hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan ngunit walang sinuman ang nakapagbigay sa kanya ng kasagutan.
Ang pagkayamot ni Padre Damaso ng makitang magkasama sina Kapitan Tiyago at Simoun ay sumasalamin sa labis na pagdududa ng kura sa mga kilos at pag - iisip ng mga tao sa paligid niya. Iniisip ni Padre Damaso na ang makita na magkasama ang dalawa ay hindi isang pagkakataon kung hindi ito ay may malalim na dahilan at may kaugnayan sa mga detalye ukol sa pagkamatay ng ama ni Simoun. Ang hindi pagpansin ni Simoun sa pagkayamot ng pari ay sumisimbolo sa hindi pagbibigay ng halaga sa kura. Dala na marahil ng kawalan ng paggalang minabuti na ni Simoun na talikuran na lang ang paring nagyayamutam. Ang kanilang pag - iwas sa isat isa ay nangangahulugan lamang na kapwa ay mayroong pagdududa sa isat isa bagay ng hindi maitatanggi ng lahat ng makakakita.
Read more on
Comments
Post a Comment