Mahalaga Ba Ang Acces Sa Impormasyon Sa Teknolohiya

Mahalaga ba ang acces sa impormasyon sa teknolohiya

Kahalagahan ng Pag-access ng Impormasyon sa Teknolohiya

Sa paglipas ng panahon, ang teknolohiya ay patuloy na lumalago. Nagkakaroon ng maraming pagbabago at nagbibigay ng mga benepisyo sa mga tao. Isa na rito ang paglalaan nito ng mga impormasyon. Ang mga impormasyon na ito ay tumatalakay sa ibat ibang mga paksa at ito ay madaling makukuha gamit ang teknolohiya.

Noon, maraming mga mananaliksik ang masusing hinahanap ang mga impormasyon na nais nilang malaman gamit ang mga primaryang batis. Ang primaryang batis ay tumutukoy sa mga pangunahing pinagkukunan ng mga impormasyon kagaya sa libro, dyaryo, artikulo, thesis atbp. Mahabang panahon ang ginugugol ng mga mananaliksik noon upang makumpleto nila ang mga impormasyon na kailangan nila at makabuo ng konklusyon may kinalaman sa paksa na kanilang tinatalakay. Ngunit dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, nagiging mas madali na ang pagkuha o pangangalap ng mga impormasyon.

Ang pag access ng mga impormasyon gamit ang teknolohiya ay mabisang paraan upang mas madali ang maging trabaho ng isa sa pangangalap ng datos. Nababawasan ang oras sa paggugol para lamang makahanap ng wastong impormasyon. Kalimitan sa mga nangangalap ng impormasyon ay mga estudyante.  At ang kahalagahan ng teknolohiya sa mga mag aaral ay nagbibigay ito ng malaking kontribusyon sa kanilang pag-aaral. Lalo na at mas napapadali ang paghahanap ng mga impormasyon na kanilang kailangan sa mga takdang aralin at gawain. Isa pa, ang epekto ng internet sa edukasyon ay mas madali ng ituro sa mga mag-aaral ang mga paksa o asignatura na kailangan nilang malaman. Hindi na nila kailangan pa pumunta sa silid aklatan o mga lugar na pwede nilang kuhaaan ng datos. Sapagkat gamit ang teknolohiya o internet, isang click lang pagkatapos itype ang paksa na nais malaman, ay agad agad namang maglalabasan ang sari-saring impormasyon may kinalaman sa paksa. Hindi lang mga mag-aaral, kahit ang kanilang mga guro ay natutulungan ng teknolohiya para makasagap ng impormasyon. Kaya ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral ay tunay ngang epektibo. Mas mabilis at madali na sa guro at mag-aaral ang pangangalap ng impormasyon upang matuto at magkaroon ng sapat na kaalaman.

Kaya naman, ang teknolohiya ay mahalaga sa pag access ng impormasyon sapagkat ito ay nagsisilbing instrumento upang maibigay sa mga tao ng mas mabilis ang mga impormasyon o datos na kailangan nila lalo na kung tungkol ito sa mga pribadong impormasyon na dapat nilang malaman. Ngunit mahalagang tandaan na ang pangangalap ng impormasyon gamit ang teknolohiya, ay kailangan din na maging maingat. Sapagkat hindi lahat ng impormasyon na makukuha ay tama at tumpak. Kaya naman, mahalaga na maging mapamili din sa pagkuha ng impormasyon.

Para sa karagdagang impormasyon may kinalaman sa kahalagahan ng pag-access ng impormasyon maaaring bisitahin ang:

                brainly.ph/question/2133456

                 brainly.ph/question/1347811

                  brainly.ph/question/1351478


Comments

Popular posts from this blog

Isa Pang Katawagan Sa Lider Ng Pamahalaan O Punong Ministro Ng Bansang Germany

Mga Nagawang Proyekto Ni Corazon Aquino Sa Pilipinas?

Two Balls Of Masses 200 Kg Moving In The Same Direction With Velocities 2 M/S And 1 M/S Respectively Collide With Each Other. If The Velocity Of Ball